And what you become is your gift to God.
Scratch Papers
April 7, 2010
Kagagaling ko lang sa pagkakape at paglalabas ng sama ng loob…sa banyo. Salamat sa kape at naging regular na ulit ang bowel movement ko. Noong “call center” at “thesis days” ko kasi, every two or three days lang ako nakakapag-express ng hinanakit. Ngayon bumalik na sa dati. Yehey! Walang Nescafe 3-in-1 sa tindahan namin ngayon ( sa totoo lang, mukhang wala na ring balak bumili si Mama ng Nescafe 3-in-1 kasi sa oras ng bumili siya ng isang dosena, isang lingo lang halos ang titnatagal) kaya nagkasya na lang ako sa simpleng kape (may bongga bang kape?) at coffee mate. Balak ko pa sanang mag-asukal kahit isang kutsarita lang, sa kasamaang palad hindi ko mabuksan ang lalagyan ng asukal. Nauwi tuloy ako sa pagkakape ng walang asukal. Ang pait. Pero masarap kasi alam kong kape ang iniinom ko.
Hindi talaga tungkol sa kape ang gusto kong ikwento. Kwento nga ba? Hindi yata. Sanaysay na lang o kaya naman sharing (ano nga palang Tagalog ng sharing?).
Isa sa PINAKAIMPORTANTE at PINAKAMAHALAGANG naipundar ko sa loob ng apat na taong pamamalagi ko sa PUP sintang paaralan bilang isang Communication Research major ay SCRATCH PAPER. SCRATCH PAPERS. Oo, scratch papers.
Pinakaimportante? Kung walang scratch papers, walang 1st draft, 2nd draft, 3rd draft, 4th draft and so on and so forth. Kung walang scratch papers, walang 1st output, 2nd output, 3rd output, 4th output and so on and so forth (ano naman ang Tagalog ng so on and so forth?). sa medaling sabi, kung walang scratch papers, walang drafts at outputs. Kahit pa halos lahat ay may kaniya-kaniya ng personal computer at laptop, hindi pa rin maikakaila ang halaga ng scratch papers lalo na sa katulad ko. Kapag may overnight (tanong ulit, ano naman ang Tagalog ng overnight?), hindi ito pwedeng mawala sa maleta ko. Kahit nga ordinaryong araw lang, may scratch paper pa rin sa bag ko. Ewan ko ba nasanay na siguro ako.
Pinakamarami? Kung nakita ninyo ang thesis namin, triple pa nun o higit pa ang dami ng scratch papers ko ngayon ditto sa bahay. Salamat sa Thesis Writing course subject namin nitong 4th Year 1st Sem at pati na rin sa Data Interpretation and Reporting noong 3rd Year 2nd Sem dumami ng ganito ang scratch papers ko. May pagka-PACK RAT din kasi ako kaya hindi ako basta-basta nagtatapon ng papel. Sayang kasi. SAVE MOTHER EARTH.
At sa dami nga ng scratch papers ko, nagawa ko na itong ikategorya—MAGANDA, MEDYO MAGANDA at PANGIT.
Maganda. Ito ‘yung tipong pagkalabas na pagkalabas pa lang sa printer at nakita mong may mali kahit kapiranggot lang na letra, scratch paper na. Ang ganda ng papel at print kaso hindi naman pwedeng ‘yun ang ipasa mo kasi nga may mali kaya scratch paper na lang.
Medyo maganda. Ito naman ‘yung tipong nagamit mo na ng tatlo o apat na beses o depende sa tagal ng pagpasok ng propesor mo sa klase at pagtuturo niya ng isang paksa dahil sa ito ay ang iyong dakilang hand-outs. Uso sa amin ‘to. Dahil walang sapat na reference books sa silid-aklatan at may mga patnugot na sadyang sa ibang bansa lang matatagpuan ang kanilang libro, photocopy ang solusyon (ang sistema, kukunin sa internet ang akda nila tapos ipapaphotocopy para sa buong klase).
Pangit. Ito ‘yung mga papel na malapit ko na talagang itapon pero hindi ko pa maitapon. May masusulatan pa kasi sa likod. Sayang naman. Ang mga papel na ito ay ang tipong pinagpasa-pasahan na rin ng buong klase at pagbalik sa ‘yo hindi na flawless. Ito rin ‘yung tinupi na ng ilang beses at malapit nang mapunit. Ito rin ‘yung may mantsa na ang harapan o kahit na ang likuran—mantsa galling sa pagkain, sa nagtaeng bolpen o kaya naman ay thumbmark este marka ng daliri o kmay dahil sa pawis, tinta o kung ano pa man.
Paano nga ba masasabing ang isang papel ay scratch paper na? Base sa aking karanasan, ito ang criteria?
Una. Kapag nadoble ang print. Isa lang naman ang kopyang ipinapasa ng estudyante sa propesor niya maliban na lamang kung gusto mo ng sariling kopya (pero kung hindi buong dokumento ang nadoble ng print, 90% sa pagiging scratch paper din ang kauuwian ng papel na ‘yun).
Pangalawa. Kapag ang daming naprint nag hindi sinasadya. Ang dahilan? Ang nakakatarantang paper jam at miscommunication kay Manong Taga-print. Minsan kasi dalawang kopya lang ang kailangan mo, nagiging limang kopya pagkabigay sa ‘yo. Ganito rin ang sitwasyon sa mga photocopies.
Pangatlo. Kapag may mali sa print. Kahit page number o isang letra lang ang mali diyan, mali pa rin ‘yan. Ang isang letra pwedeng maging dahilan ng pagkakamali ng isang pangungusap o ng isang talata o maging ng isang buong sanaysay o kwento mo. Kapag nakatagpo ka ng “grammar freak” na propesor at nakita nag pagkakamaling ‘yun, bawas “pogi points” na panigurado.
Pang-apat. Kapag natapos na ang baseline survey o pre-test at post test, evaluation pati na rin ang pagtatally ta pag-aanalisa ng mga nakalap na datos dahil ang ibig sabihin niyan, kung ilan mang kalahok mayroon ang inyong pag-aaral, ganoon din kadami ang mga questionnaires na matitira sa ‘yo (mabentang-mabenta ‘to noong mga panahong kinukuha namin ang mga sumusunod na asignatura—Public Information and Campaign, Development Communication, Communication Evaluation, Advertising/Public Relations Case Studies at Media Literacy and Studies).
Panlima. Kapag naipasa mo na ang output mo at binalik sa iyo nang may hindi magandan grado o komento. Kapag bagsak ang grado malamng hindi mo na ito itatabi pa. pero kung 3.0, pwede pa itong isalba sa pagiging scratch paper. Noong ginagawa kasi namin ang Chapters 1-3 ng thesis namin at ito ang grado na nakuha namin, masaya na kami (noong una kasi 3.5 o kaya 4.0, at least may improvement). Ibig sabihin din ng 3.0 noong panahong ‘yun, hindi lumipad o pinalipad ang papel namin sa ere o kaya naman walang nagsusumigaw na X o ? mark ang pinasa namin.
Pang-anim. Kapag ito ya napaglumaan ng panahon. Hindi naman habambuhay ay kukunin ko nag asignaturang ito kaya ‘pag sa tingin ko ay nagamit ko na ito at hindi na muli pang magagamit sa pag-aaral at pamumuhay ko, scratch paper na ang tawag ko dito.
Pampito at ang panghuli. Kapag wala na kong magawa sa papelat ayaw ko pa itong itapon, pansamantalang scratch paper na ito (baka sa mga sususnod na araw ay may maisipan akong kapaki-pakinabang na gawin sa papel na ‘yun).
Kung gusto niyo ng scratch papers, pwede kayong manghingi sa ‘kin. Joke! Sigurado akong marami rin kayong scratch papers diyan lalo na sa mga research majors na gaya ko. Subukan niyong pagsama-samahin nag mga scratch papers niyo at ilagay sa isang kahon o kahit ano pang lalagyan, magugulat kayo kung gaano na karami ang naitatago ninyong yaman.
Salamat sa scratch papers, nakatipid ako ng kuryente ngayon. Habang ginagawa ko kasi ito, sinusulat ko muna para na rin mabawasan ang scratch papers ko tapos tsaka ko na lang itatayp. Hindi ko naman kasi madadala at magagamit nang husto ang mga scratch papers na ito sa magiging trabaho ko dahil panigurado may isang lugar sa opisina o malaking kahon na puro scratch papers lang ang laman (tulad na lang sa World Vision Development Foundation, Inc. Buong buo!).
Ayan. Okay na ‘to. Nabawasan na ng apat na papel ang munting koleksyon ko ng SCRATCH PAPERS. Arrivederci!
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


